Yong nais magtrabaho habang buhay?
At yong kuntento na sa buhay na makakain lang ng tatlong beses sa isang araw?
Marahil, halos lahat naman ay nais yumaman, makapag retiro ng maaga, maraming oras sa pamilya, makarating sa iba't ibang lugar at makatikim ng mga masasarap na putahe.
Ganun pa man, may mga iilang tao ring ayaw yumaman. Sila yung mga taong ang tingin sa mga mayayaman ay mapanlamang, ganid, at mapang-alipusta. O marahil, tulad ko dati na may paniniwalang mas mapalad at mas malapit ka sa Panginoon kung dukha o mahirap ka.
"Mapalad kayong mga dukha, sapagkat inyo ang kaharian ng Diyos. Mapalad kayong ngayo'y nagugutom, sapagkat kayo ay mabubusog." - Lucas 6:20Dagdagan mo pa ng kasabihan na "Money is the root of all evil." Na anumang pagnanais mo sa karangyaan at pagpapayaman sa pananalapi ay mali at masama!
Sa kabila nito, bakit nga ba natin kailangang yumaman?
"Ito ay medyo mahirap na sagutin, kaya sagutin muna natin ang mga mas madadaling tanong: