Saturday, June 25, 2016

Bakit Natin Kailangang Yumaman?

May kakilala ka bang ayaw yumaman? 
Yong nais magtrabaho habang buhay? 
At yong kuntento na sa buhay na makakain lang ng tatlong beses sa isang araw?

Marahil, halos lahat naman ay nais yumaman, makapag retiro ng maaga, maraming oras sa pamilya, makarating sa iba't ibang lugar at makatikim ng mga masasarap na putahe.

Ganun pa man, may mga iilang tao ring ayaw yumaman. Sila yung mga taong ang tingin sa mga mayayaman ay mapanlamang, ganid, at mapang-alipusta. O marahil, tulad ko dati na may paniniwalang mas mapalad at mas malapit ka sa Panginoon kung dukha o mahirap ka.  
"Mapalad kayong mga dukha, sapagkat inyo ang kaharian ng Diyos. Mapalad kayong ngayo'y nagugutom, sapagkat kayo ay mabubusog." - Lucas 6:20
Dagdagan mo pa ng kasabihan na "Money is the root of all evil." Na anumang pagnanais mo sa karangyaan at pagpapayaman sa pananalapi ay mali at masama!

Sa kabila nito, bakit nga ba natin kailangang yumaman?

"Ito ay medyo mahirap na sagutin, kaya sagutin muna natin ang mga mas madadaling tanong:
• Mahal mo ba ang iyong pamilya?
• Mahal mo ba ang iyong kapwa?
• Mahal mo ba ang iyong sarili?
• Mahal mo ba ang Panginoon?

May sinagot ka bang "Oo?"

Iyan ang sagot sa ating mahirap na tanong.

Kailangan nating yumaman dahil mahal natin ang ating pamilya, ang ating kapwa, ang ating sarili, at higit sa lahat nais nating paglingkuran ang Panginoon."
- excerpt from T.I.P.S. of Bobet & Mary Ann Prudente

May mga taong ayaw yumaman dahil sa masamang tingin nila sa mga mayayaman. Tingin nila'y ang mga mayayaman ay mapanlamang, ganid, at mapang-alipusta. 

Karamihan ng tao ay humahanap ng ibang masisisi sa kanilang suliranin sa pananalapi. Madalas nilang isinisisi sa mga politiko at mayayaman ang kanilang problema kaysa akuhin at tanggapin na ang kanilang kakulangan patungkol sa kahalagahan ng pera ang dahilan ng kanilang paghihirap. May kasabihan nga daw sa english na, "When people are lame, they love to blame." 

Kabaliwan ang gugulin natin ang buong buhay natin na isang dukha at manindigan na ang pagnanais sa karangyaan at pagpapayaman sa pananalapi ay mali at masama. Mas mahalaga ang buhay kaysa pera, pero mahalaga ang pera para mataguyod natin ang ating buhay. 

Kailangan nating yumaman dahil nais nating mapakain ng masasarap ang ating pamilya at magkaroon ng maginhawang buhay. Kailangan nating mapag-aral at mapagtapos ang ating mga anak. Lumaki silang maayos, malusog, at makamit ang kanilang mga pangarap. Nais nating maging masaya at magkaroon ng masaganang buhay ang ating pamilya.

Kailangan nating yumaman dahil nais nating tumulong sa ating mga kamag-anak at kapwa. Lagi tayong may nakikitang ibang tao na may pinag-daraanang higit na paghihirap. At lagi nating gustong magkaroon ng kakayahang makatulong sa ibang mga dumaranas ng mga pagsubok sa buhay.

Kailangan nating yumaman dahil mahal natin ang ating sarili. Dahil kung hindi natin mamahalin ang ating sarili, paano natin matutulungan ang ating pamilya, kamag-anak, kaibigan at kapwa? Mahirap tumulong kung wala kang pangtulong. 

Syempre, gusto rin nating maginhawa ang ating pamumuhay, kasama ang ating mga mahal sa buhay. Maraming oras sa pamilya, makarating sa iba't ibang lugar at makatikim ng mga masasarap na pagkain. At sa ating pagtanda ay hindi tayo umaasa at pabigat sa ating pamilya.

Higit sa lahat, kailangan nating yumaman dahil gusto nating pagsilbihan ang Diyos - mahal natin ang Panginoon. Ang pinakalayunin ng kayamanan ay pagibig at pagmamahal.

Mahalagang pagyamanin natin ang ating buhay pananalapi upang alagaan ang ating sarili, at ng hindi dumedepende sa sustento ng gobyerno o sa kumpanyang pinagtatrabahohan natin. 

Ang mga dahilang ito ang nagpabago ng aking pananaw. Ang dating ayaw yumaman at manatiling dukha ay isang maling paniniwala. Kailangan nating malaman yong WHY - bakit. Dahil mahal natin ang ating pamilya, ang ating kapwa, ang ating sarili, at higit sa lahat nais nating paglingkuran ang Panginoon.
"For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and future." - Jerimiah 29:11
Maganda ang plano ng Diyos sa atin. At hindi yon ang maghirap tayo at maging dukha. 

Gumawa ka ng bagay ngayon na maipagmamalaki mo sa hinaharap. At yon ay ang maging mayaman!



Isang Taas Kamaong Nagpupugay sa'yo Kaybigan,
Mark-Lee Tupas Isidro












Kaagapay mo sa Mapagpala at 
Isang Taas Kamaong Tagumpay!!!

===============
PS: I would like to invite you on becoming financially abundant and spiritually mature at the same time. Download the FREE eBook of Bro. Bo Sanchez – “My Maid Invest in the Stock Market...” and learn how to invest in the stock market. And Bro. Bo Sanchez will mentor you Financially and Spiritually at the Truly Rich Club.  Check us at:
http://www.TrulyRichClub.com 

PS2: Get 3 FREE Training Videos that reveals how to Sponsor More Downlines in any Network Marketing company Kahit Mahiyain ka pa o kahit Bago Ka Lang sa Business Mo! You will also get a BONUS Ready Scripts to Effectively Answers Prospect's Objections! Learn how to get these all...

PS3: Get FREE Training Video Series For Network Marketers and Online Entrepreneur: How To Attract Interested and Willing to Join Prospects To Your MLM Business Using the Power of Internet. Kung gusto mo rin matutunan ang mga strategies na 'to...
WATCH the Video NOW!

PS4: Discover and learn 3-Easy-Steps How you can start legitimately make money online by doing a real business and by selling real products using a Simple Money Making System that you can get for FREE Today!!!


===============

2 comments:

  1. May kakilala ka bang ayaw yumaman?

    May mga taong ayaw yumaman dahil sa masamang tingin nila sa mga mayayaman. Tingin nila'y ang mga mayayaman ay mapanlamang, ganid, at mapang-alipusta.

    Karamihan ng tao ay humahanap ng ibang masisisi sa kanilang suliranin sa pananalapi. Madalas nilang isinisisi sa gobyerno at mayayaman ang kanilang problema kaysa akuhin at tanggapin na ang kanilang kakulangan patungkol sa kahalagahan ng pera ang dahilan ng kanilang paghihirap. May kasabihan nga daw sa english na, "When people are lame, they love to blame."

    Pero bakit nga ba kailangan mong yumaman?

    ReplyDelete
  2. Get daily ideas and methods for making $1,000s per day FROM HOME totally FREE.
    CLICK HERE TO START NOW

    ReplyDelete