Ang kumita ng mas malaki ay ninanais nating lahat. Ngunit ibang usapan na ang maisakatuparan ito. Dahil ang naisin ito ay hindi sapat.
May mga pagkakataon nga sa ating buhay na kinailangan nating mangutang dahil sa kakulangan sa pinansyal o income. At hindi natin ito basta basta mamamalayan na sa panghihiram natin ay makita nalang natin ang ating sarili na lubog na sa utang at hirap ng makaahon upang matustosan pa ang ating buhay pinansyal.
Kung lubog at nasa malalang kalagayan ang iyong buhay pinansyal, wala ka namang ibang pupuntahan kundi ang kasaganahan. May kasabihan ngang: "When you hit rock bottom, you have nowhere to go but up." Ngunit kung patuloy mong daramdamin at kakaawaan ang iyong sarili, aasa sa iba para tustosan ka o maghintay nalang sa kung anong mangyari, you're going to be waiting a long time for positive changes; yon ay kung mangyayari.
Katulad ito ng sa sitwasyong gusto mong magbawas ng timbang o magpapayat. Walang gagawa non para sa'yo. Nasa sa'yo yong pagkain ng tama, pageehersisyo, makatulog ng sapat - it's all up to you!
Isipin mo ito; ano kaya kung tambak na yong mga bills na kailangan mong bayaran at kapos na kapos ang iyong kita o income? Diba nakakastress and you'll feel hopeless kapag ganto ang sitwasyon mo? Ang ganitong financial challenges ay dahil lamang sa kakulangan ng goal at malinaw na pagpaplano sa yong buhay pinansyal.
Ang pinakang sanhi nito ay dahil sa sarili rin nating paniniwala at takot na makontrol tayo ng salapi. Marami sa ating kababayan ay itinuturin na masama o mali ang magnais ng pera at kayamanan; dahil tingin nila dito ay isa itong kasakiman o pagka-ganid. Sa kanila, demonyo ang pera. Ngunit ang paniniwalang ito ay isa rin sa nagiging balakid upang makamit natin ang nais natin na kumita ng mas malaki at makamit ang financial freedom.
Financial freedom is more than having plenty of money. It is rather the freedom of being in control of your fears over the power of money and using that control to get what you really want in your life.
Ngayon, ano nga ba kailangan mo upang mapalaki o madagdagan ang iyong income?