"Seryoso ka? Wala kang pera? Yang lifestyle mong yan wala kang pera? Pero 'pag-gimik at inuman may pera ka. Tapos pag may bagong labas na gadget bigla kang nakakabili. May paista-starbucks ka pa wala ka naman palang pera!!!"LOL! Kapag hindi ka dinagukan ng kausap mo kapag sinabi mo yan.
Maraming lohika kung bakit tila naging ekspresyon na ito ng maraming tao. Maaring wala talaga silang pera o nagpapalusot lang.
Pero ang pinagtataka ko, bakit ba tila karamihan ng tao ay lagi nalang walang pera kahit na malaki naman ang kinikita nila?
Narito ang ilang malimit na dahilan ng mga kagaya kong manggagawa, above minimum wager, pero tila sapat o kulang ang kinikita...