"Seryoso ka? Wala kang pera? Yang lifestyle mong yan wala kang pera? Pero 'pag-gimik at inuman may pera ka. Tapos pag may bagong labas na gadget bigla kang nakakabili. May paista-starbucks ka pa wala ka naman palang pera!!!"LOL! Kapag hindi ka dinagukan ng kausap mo kapag sinabi mo yan.
Maraming lohika kung bakit tila naging ekspresyon na ito ng maraming tao. Maaring wala talaga silang pera o nagpapalusot lang.
Pero ang pinagtataka ko, bakit ba tila karamihan ng tao ay lagi nalang walang pera kahit na malaki naman ang kinikita nila?
Narito ang ilang malimit na dahilan ng mga kagaya kong manggagawa, above minimum wager, pero tila sapat o kulang ang kinikita...
1. Wala kang budget o financial plan kaya hindi mo namo-monitor and finances mo.
2. Wala kang nai-tabi o ipon. Wala kang personal savings account o kahit na alkansya.
3. Pagkatanggap ng sweldo mo, dumi-diretso ka agad sa mga gimikan at nakikipag party-party.
4. Palagi mong nililibre ang mga kaibigan mo kapag namamasyal o kumakain kayo sa labas.
5. Mahilig kang bumili ng mga gamit o mga bagay-bagay na di mo naman talaga kailangan.
6. Happy go lucky ka. Katuwiran mo kasi ay YOLO (You Only Live Once) kaya okey lang gumastos.
7. Okey lang sa'yo ang mangutang dahil iniisip mo na kaya mo namang bayadan.
8. Nangungutang ka para ipambayad ng iyong mga naunang utang kaya nababaon ka sa interes.
9. Iniisip mo na ok lang kahit walang pera basta nakaka-survive naman sa araw-araw na buhay.
10. Hindi kita follower/subscriber kaya di ka nakakakuha ng mga Tipid and Ipon Tips. ☺ LOL!
*Excerpted from PESO SENSE
Tinamaan ka ba at napangiti sa katotohanang ito?
Iilan lang ito sa mga pangkaraniwang dahilan kung bakit lagi tayong walang pera.
Ilang taon na ang nakalipas, lagi nating kina-katwiran na hindi sapat ang kinikita natin at wala tayo laging pera. Nakalipat na nga ng trabaho at kumikita ng mas malaki kaysa dati pero lagi paring walang pera. Hanggang kailan natin balak sabihin ang salitang "Wala akong Pera"?
Kaybigan, kailangan nating tanggapin ang katotohanan na tanging TAYO ang may pananagutan sa ating pera. Walang makakapagbago ng ating buhay pananalapi, kundi tayo.
Walang sinoman ang higit na magmamalasakit sa ating buhay pananalapi kundi ang ating sarili. Tayo lamang!
Huwag nating sisihin ang gobyerno, ang ating boss, ang kompanyang pinagtatrabahohan natin, ang ating magulang at kung sino mang naluklok na presidente kung bakit tayo naghihirap at laging walang pera.
Panagutan natin ang sarili nating buhay pananalapi!
Mahalagang malaman natin ang dahilan kung bakit lagi tayong walang pera. Upang sa ganun ay makapag-umpisa tayong alamin ang solusyon sa problemang ito.
Naniniwala akong wala namang taong nagplanong mabigo. Sa halip ay nabigo lamang tayong magplano. At ang sanhi ng pagkabigo nating magplano ay kakulangan ng karunungan. Kung tayo ay armado ng tamang impormasyon, makakapagplano tayo ng wasto at makakagawa ng tamang desisyon.
Ngayong may idea ka na kung bakit kulang at lagi nalang wala kang pera, nawa naman ay umpisahan na nating magplano at tugonang mapabuti ang ating buhay pananalapi.
Pagpalain ka nawa na magkaroon ng maraming salapi - siksik, liglig at umaapaw.
Isang Taas Kamaong Nagpupugay sa'yo Kaybigan,
Mark-Lee Tupas Isidro
Kaagapay mo sa Mapagpala at
Isang Taas Kamaong Tagumpay!!!
===============
PS: I would like to invite you on becoming financially abundant and spiritually mature at the same time. Download the FREE eBook of Bro. Bo Sanchez – “My Maid Invest in the Stock Market...” and learn how to invest in the stock market. And Bro. Bo Sanchez will mentor you Financially and Spiritually at the Truly Rich Club. Check us at:http://www.TrulyRichClub.com
PS2: Get 3 FREE Training Videos that reveals how to Sponsor More Downlines in any Network Marketing company Kahit Mahiyain ka pa o kahit Bago Ka Lang sa Business Mo! You will also get a BONUS Ready Scripts to Effectively Answers Prospect's Objections! Learn how to get these all...
PS3: Get FREE Training Video Series For Network Marketers and Online Entrepreneur: How To Attract Interested and Willing to Join Prospects To Your MLM Business Using the Power of Internet. Kung gusto mo rin matutunan ang mga strategies na 'to...
WATCH the Video NOW!
PS4: Discover and learn 3-Easy-Steps How you can start legitimately make money online by doing a real business and by selling real products using a Simple Money Making System that you can get for FREE Today!!!
===============
Lagi mo bang naririnig ang salitang ito, "Wala akong pera."
ReplyDeleteMaaring wala talaga silang pera o nagpapalusot lang.
Pero bakit ba tila karamihan ng tao ay lagi nalang walang pera kahit na malaki naman ang kinikita nila?
Mahalagang malaman natin ang dahilan kung bakit lagi tayong walang pera. Upang sa ganun ay makapag-umpisa tayong alamin ang solusyon sa problemang ito.
Umpisahan na nating magplano at tugonang mapabuti ang ating buhay pananalapi.
Kailangan nating tanggapin ang katotohanan na tanging TAYO ang may pananagutan sa ating pera. Walang makakapagbago ng ating buhay pananalapi, kundi tayo.