Lahat tayo ay may iba’t ibang byahe sa buhay. Anuman o saan man tayo patungo, siguradong may mapupulot tayong kwento at aral mula dito.
Usually, 10-12 times a week ako sumasakay ng Jeepney back and forth, from our house to my job, vice versa. At masasabi kong sa simpleng pagsakay lang ng Jeepney, milyong pera na ang dumaan sa mga palad ko. Pero hindi ko kinita ang milyong perang yon, pinaabot lang sakin ng mga kapwa ko pasahero dahil mahilig ako pumwesto sa likodang bahagi ng driver. ☺
Hindi ko kinalikihan ang pagsakay ng Jeepney until I studied college here sa Metro Manila. Aaminin ko, nong bago palang ako dito sa siyudad, sinupladohan ko ang isang estudyanteng binibini nong pinaabot nya sakin ang kanyang bayad patungo sa driver. At pagkatapos kung iabot ang bayad, ni hindi manlang ako nakarinig ng "Salamat", wala manlang "Thank You" o kahit ngiti manlang. ☹
Samin kasi sa probinsya, bago sumakay o pagbaba kami nagbabayad sa driver o sa kundoktor ng aming pamasahe. At lubos kaming nagpapaSalamat sa kanila. Hindi rin kasi ganun kadaling sumakay ng jeep samin lalo na kung nasa kabundokan ka o linang.
Bibihira ang jeepney samin at minsan kinakailangan mo pa talagang maglakad ng kilo-kilometro kaysa mag-antay ng dadaang jeepney. Kapag mamalasin ka pa, punong puno na ang Jeep na dadaan - 'yong tipong may nakasakay na kahit sa bubongan at may mga nakasabit na lang sa harapan, gilid at likuran ng jeep. Talagang magpapaSalamat ka kapag nakasakay ka. Kaysa maglakad sa maalikabok, bakubakong daan, at minsan may madadaanan ka pang ulupong, makarating lang sa pinakamalapit na bayan.
At dahil sa sitwasyon naming ganun sa probinsya, naaalala kong magpasalamat kapag madali akong nakakasakay ng jeep. At magpasalamat lagi sa mga kapwa pasahero ko na nag-aabot ng aking bayad at sukli. Ganun din sa driver o kundoktor na maingat akong inihatid at pinababa sa aking pina-tungohan dito sa syudad.
"Give thanks in all circumstances; for this is the will of God in Christ Jesus for you." 1 Thessalonians 5:18Kapansin-pansin din naman na bihira na nating marinig ang "Salamat" sa loob ng jeep ngayon. Minsan nga, parang utang na loob mo pang abutin ang bayad nila. Effort kaya iyon na abutin mo ang bayad ng iba kahit na alam mong marumi ang perang hahawakan mo. Hindi mo naman sila kaanu-ano. Hindi naman kayo close. Pwede namang deadma na lang… ☺
Pero alam mo, sa kabila ng maraming pagkakataon na hindi ako pinasasalamatan sa kabutihang-loob ng pagaabot ng bayad, malugod ko pa ring inaabot ang mga bayad ng kapwa pasahero ko.
At hindi ako nakakalimot na magpasalamat tuwing makikisuyo akong iabot ang bayad ko sa kapwa ko pasahero. At muling magpasalamat kapag iabot nilang pabalik ang sukli ko.
Ikaw, nagpapasalamat ka ba o deadma na lang sa kagandahang-loob ng iba?
ALWAYS BE THANKFUL
LET’S R.I.D.E.
Reflect:
Ano ang mga karanasan mo sa iyong buhay na naramdaman mong ikaw ay pinahalagahan o pinasalamatan?
Be Inspired:
“One of the main reasons that we lose our enthusiasm in life is because we become ungrateful… We let what was once a miracle become common to us.”Discover:
– Joel Osteen
American preacher, televangelist, author and pastor
People with an “attitude of gratitude” are in better physical health, sleep better, and spend more time exercising.
Source: Emmon, R.A. & McCullough, M.E. (2003) Counting Blessings versus Burdens: An experimental investigation on gratitude and subjective well being in daily life
Be Empowered:
Sinu-sino sa buhay mo ang dapat mong pasalamatan at i-appreciate? Libre naman ito at walang bayad. Kakilala mo man o hindi, express gratitude and appreciation today.
Excerpt from Byahe ni Juan by JC Libiran
Let’s R.I.D.E. together and become the best BYAHEro we can be!
Manong, dyan lang po sa tabi!
I hope ay may natutunan ka sa naibahagi ko. I really want to hear from you, kung may katanungan ka, suggestion or negative feedback about sa blog post na ito, I'll be more than happy to learn from it and I'll get back to you as soon as I can...
Isang Taas Kamaong Nagpupugay sa'yo Kaybigan,
Mark-Lee Tupas Isidro
Kaagapay mo sa Mapagpala at
Isang Taas Kamaong Tagumpay!!!
===============
PS: I would like to invite you on becoming financially abundant and spiritually mature at the same time. Download the FREE eBook of Bro. Bo Sanchez – “My Maid Invest in the Stock Market...” and learn how to invest in the stock market. And Bro. Bo Sanchez will mentor you Financially and Spiritually at the Truly Rich Club. Check us at:http://www.TrulyRichClub.com
PS2: Get 3 FREE Training Videos that reveals how to Sponsor More Downline in any Network Marketing company Kahit Mahiyain ka pa o kahit Bago Ka Lang sa Business Mo! You will also get a BONUS Ready Scripts to Effectively Answers Prospect's Objections! Learn how to get these all...
PS3: Get FREE Training Video Series For Network Marketers and Online Entrepreneur: How To Attract Interested and Willing to Join Prospects To Your MLM Business Using the Power of Internet. Kung gusto mo rin matutunan ang mga strategies na 'to...
WATCH the Video NOW!
PS4: Discover and learn 3-Easy-Steps How you can start legitimately make money online by doing a real business and by selling real products using a Simple Money Making System that you can get for FREE Today!!!
===============
Kapansin-pansin din naman na bihira na nating marinig ang "Salamat" sa loob ng jeep ngayon. Minsan nga, parang utang na loob mo pang abutin ang bayad nila. Effort kaya iyon na abutin mo ang bayad ng iba kahit na alam mong marumi ang perang hahawakan mo. Hindi mo naman sila kaanu-ano. Hindi naman kayo close. Pwede namang deadma na lang… ☺
ReplyDeletePero alam mo, sa kabila ng maraming pagkakataon na hindi ako pinasasalamatan sa kabutihang-loob ng pagaabot ng bayad, malugod ko pa ring inaabot ang mga bayad ng kapwa pasahero ko.
Ikaw, nagpapasalamat ka ba o deadma na lang sa kagandahang-loob ng iba?
Get daily suggestions and guides for making $1,000s per day ONLINE totally FREE.
ReplyDeleteCLICK HERE TO FIND OUT